Saturday, November 24, 2012

Self-direction

Di na naman ako mapakali at syempre, di ako makagawa kapag mayroong bumabagabag sa isipan ko. Group work na naman. Patay tayo dyan. Nasabi ko na ata sa previous blog entry ko na kaya mukhang ginagawa ko ang lahat sa isang group work ay dahil gusto ko lang isalba ang sarili ko. Nadamay lang yung iba, kumbaga. Buti na lang ngayon, Higher-Ups na ang nagsabi na kailangan ng break-down ng gawain. Bwahahaha. Try to skiddle your way out of THAT!

Aba'y mas lalo naman ngayon! Jusko. Di na ako magkanda-aligaga sa mga dami ng gagawin. Pwedeng pa-share naman ng stress? Oo, maaari mong sabihin na "Sino-solo mo na naman ang lahat, Paulo". Can you blame me? I'm stuck with people who has no concept of self-direction! Buti na lang, mayroon din akong kasama na hinulma ang kalooban from the goo of self-direction itself. Dala na naman ito ng bugso ng damdamin. Keeping the stress levels up is not good for my vessels. 80 years old, paano na lang kita maaabutan?

Isa na namang entry dala ng bugso ng damdamin. 

No comments:

Post a Comment