Sunday, September 11, 2011

10 years have passed . . .

So a decade has passed since that eventful morning of September 11, 2001. Reminiscing my last year's reminiscing of the event (I am that sabaw, so to speak), I would like to repost it here from my half-dead Multiply account (yes, I have one. Care to see? Follow link >> http://rambojay.multiply.com/journal). Without further ado (and I can't even wonder the terrible consequences if I delay this any longer), I present it to you.





Blog Entry

Sep 12, '10 7:15 PM
for everyone

Bale 8 years old ako nuon. Ginising ako ng nanay ko, manuod raw ako ng TV. Hawak ko ang 'security' pillow ko nuon, inaantok pa kasi ako. Nagulat ang mangmang ko pang mata sa nakita ko sa TV: nauusok yung building! Tapos may isa pang eroplanong tumama sa katabing building! Apoy, usok, pagsabog! Malala masyado ang nakita ko nuon pero nanood pa rin ako, ang bata ko pang isip ay iniisip kung sino ang nagpasimula nito. Binalita rin ito sa ibang channel. Dalawang eroplano daw ang tumama sa 'World Trading Center'; hanggang duon na lang ang alam ko. Hanggang doon na lang ang inalam ko.


Siyam na taon ang nakalipas, kani-kanina lang, nanood ako ng videos ng mga taong tumalon mula sa nasisirang World Trade Center. Bakit ginusto nilang tumalon sa kanilang kamatayan kaysa hintayin na lang ang oras sa loob ng building? Nasagot ang tanong ko sa video, "jumping to their death, they made a brave final decision to take control of how they would perish". 

Siyam na tao na rin pala. Pangako ni Obama na ia-atras na nya ang US troops nya sa Inaugural Address nya sometime in his administration. Ngayon, unti-unti na atang natigil ang 'War of Terror' na inihasik ni Bush laban sa mga terorista. Hay. Tapos may naririnig pa akong may Quran burning in response to the plan of eradicating a mosque near Ground zero. Hay. Tama nga ang sabi ng cartoon na ito: 

Wag nating lahatin. May radikal na iba na di tumatalima sa gawain ng kabuuan pero di lahat. Matapos na sana ito. Buti pa yung nilalaro naming magkapatid nuon sa computer, napapatay si Osama bin Laden sa likod ng counter ng 7-11. Sana ganun na lang kadali, nu? Ngunit masama pa rin ang pagkitil ng buhay. Naalala ko tuloy yung isa sa sinabi ni Bhishma sa Mahabharat: "We have now entered the Age of Kali Yuga, when dharma becomes adharma and adharma, dharma...If one fights against trickery, one should oppose him with trickery. But if one fights lawfully, one should check him with dharma ... One should conquer evil with good. Death by dharma is better than victory by evil deed"


Sige na, may mga parasitiko pa akong aaralin, mga papel na dapat ayusin at pag-aralan ang asukal at taba. Hay.





Same sentiments, different requirements to finish. I shall find time to make a better post, but for the meantime, bear with my 2010 sentiments.





No comments:

Post a Comment