Tuesday, September 6, 2011

Pagpapatawad. Kaya mo pa bang gawin?

Pagpapatawad
Ngayon ko lang nasabi na grabe ang tama ng Homily sa akin nung nakaraang Linggo. Forgiveness yung topic. Ginamit pa ni Father na example yung isang linya sa Ama Namin, "At patawarin mo kami sa aming mga salaPara ng pagpapatawad namin sa nagkasala sa amin". Syempre nag-introspect naman ako sa linyang 'yon. Sino bang hindi? Then it struck home. Although iba kami ng pagkaka-interpret ni Father, OK na rin yun kasi at least dalawang 'Eureka!' moments meron ako sa line na 'yun. Unahin natin yung kay Father.


Ani Father, ang pagpapatawad natin ngayong henerasyon natin ay madalang na. Tinanong nya pa ang mga parokyano kung madaling bang magpatawad, di man lang sumasagot, ni umiimik. Kung meron man, mabilisang "Hindi" o pag-iling lamang ng ulo ang nagawa. Isa ako doon sa mabilisang "Hindi." Saka na nya isinama ang Banal na Salita kung saan nasasaad ang tatlong 'proseso' ng pagpapatawad na itinuro sa atin ng Panginoong Hesukristo. Mababasa ito sa Mateo 18:15-20. 
1 Una, kung nagkasala ang iba sa'yo (o ikaw naman sa iba), kausapin mo sya mag-isa at sabihin ang mali nya.2 Kung hindi madaan dito, magsama ng kasama upang may maga-ayos sa inyo.3 Kung hindi pa rin, saka mo sya ituring isang Hentil. 
Ang point ni Father, ngayon, natalon tayo sa pangatlo. Walang-kibuan. Walang pansinan. Nasabihan mo lang ng di kaaya-ayang salita na hindi mo naman sinasadya (aray!), wala na. Parang di na kayo magkakilala. F-O, ika nga ng mga kabataan ngayon (sabi ng mga kaibigan ko). 


Eto naman yung introspective interpretation ko: kung ang hiling natin ay mapatawad "para nang" pagpapatawad natin sa iba, paano kung hindi tayo marunong magpatawad, hindi rin ba tayo mapapatawad ng Diyos, despite his being All-Forgiving. At syempre, ngayon ko lang nakikita ang flaws ng naisip ko, as I type this down. 


Isa pa sa sinabi ni Father na talagang tatagos kanino mang hindi kayang magpatawad ay ang rason bakit ayaw nating magpatawad o humingi ng tawad sa iba: Pride. Kahambugan sa sarili. Kayabangan. Ayaw nating i-yuko ang ulo natin upang humingi ng tawad o magpatawad. Para bang tayo ay kung sinong May-Ari ng lupa na mapagmataas. Sana matanim ito sa pagiisip ng lahat ng tao. Sana lang. 


Pagkatapos na lang ng Sermon, nakita ko na lang yung mga katabi ko sa Simbahan na nakatingin sa akin. Siguro napa-sobra ako sa pagi-introspect, may body movements pa kasing nalalaman.


So ngayon, kaya mo pa bang magpatawad o humingi ng tawad sa taong nagkamali sa'yo o nagawan ka ng mali?

No comments:

Post a Comment