Friday, August 31, 2012

Ako na ang immature

Dahil ako ang tipong naga-assume agad ng 'Child' personality kapag nahaharap sa mga problema, in short immature ako. At ako rin ang tipo ng tao na kapag may binabagabag ay hindi mapapakali hanggang hindi ko malulutasan ang problemang ito, ano man ang kalabasan  nito. Huli kong post na ganito, maaanghang na mga salita ang binitiwan ko kaya pipigilan ko ngayon na maging Paulo na nagsulat ng tipong binuhusan ang mga mambabasa ng mura na kulang na lang, hihilingin nilang hindi na sila nabuhay sa mundong ito. So, eto ang immature na Paulo, tumatango sa mga nabasa nya (bilang pag-iwas ko sa [malaki na posibilidad] na paga-away, hindi na lang MO kundi NYO ang gagamitin ko para hindi deretsuhan):

Sana naman naisip mo gusto ko lang naman na maging masaya kasama ang ibang tao. Masama bang maging masaya kahit paminsan-minsan. Hindi ko sinasabi na hindi ako masaya kasama nyo pero mayroon din naman akong kaibigan. Oo, matatalik tayong kaibigan ngunit hindi ibig sabihin noon ay kayo lamang ang kaibigan ko. Nakikita ko rin naman kayo na may kasamang iba. Tumatawa kasama ang iba. Humihikbi kasama ang iba. Alam mo bang nasasaktan rin ako. SIguro dahil ito sa inggit na nadadama ko. Alam mo yun. Napapaisip ka na "hindi ba sya masaya sa akin" o kaya naman "bakit iba kasama nya"? Pero dahil alam ko na may kasama kang iba na makakapagpasaya sa'yo, ok lang. Para naman sa ikasisiya mo iyon kaya ok lang sa akin. Sana ganito rin ang naisip mo bago mo naisulat yun. Inaamin ko na may pagkakamali ako. Hindi man lang ako nakapag-eksplika ng maayos. Tipong "sorry, guys, sa kanila muna ako" lang ang tangi kong nasabi. Pasensya kung awkward ako sa mga ganitong bagay. Pasensya kung hindi ko personal na masabi ang mga nararamdaman ko. Pasensya kung may mali sa akin. Pasensya at dito ko nilalabas ang lahat. Pasensya. Mea culpa. Hayaan mo, lalayo ako kung gusto nyo. Hindi ko naman din kayo masisisi. 

Sana tapusin mo din basahin ito tulad ng pagtapos ko sa pagbasa sa mga sinulat mo. However it pained me, tinapos ko. Alam ko immature ito pero dito ko lang mailalabas ito lahat. 

No comments:

Post a Comment