Saturday, August 11, 2012

Distracted

Kasi dapat naga-aral ako ngayon para sa Psychology quiz namin sa lunes. Nga pala, first day namin yun. Astig lang, diba? Bakit nga ba ako biglang napasulat dito? Kasi madali akong ma-distract sa mga ginagawa ko, mas lalo na kapag nag-aaral ako. Tipong ganito na ako minsan:


Pero hindi lang sa distraction sa pag-aaral ang gusto kong i-butsi dito sa entry na ito. Simulan natin sa distraction ko SA'YO. Oo, sa'yo. Syempre, hindi mo naman ito mababasa so ok lang na pahapyawin kong paringgan ka dito. Alam mo bang minsan, tipong wala na nga akong ginagawa, naiisip pa rin kita. Tipong, 'anebeh' moment na lang kasi bigla ka na lang susulpot sa isipan ko. Ay nako, mas lalo na kung may mga gawain akong mas maaalala kita. And to think running in marathons is one of your passions, ay mas lalo naman akong nabihag. You can say that I never got over you, but I'm trying. Dear Lord, I'm trying my best to keep that sparks from flying around whenever I see you or think of you, at the very least. 

Isa pang distraction ay IKAW. Oo, pagkatapos ko sa'yo, ikaw naman. Natatawa na lang talaga ako kapag dumadaan ka sa field of vision ng pagi-isip ko. Dahil ito sa mga bagay-bagay na nalaman ko nitong mga nakaraang....oras. Kanina ko lang na-connnect-connect ang lahat at BOOM! Kailangan kong pigilan ang tawa ko tuwing naiisip ko yun. Kasi naman, huwag masyadong pahalata lalo na sa ganyang bagay-bagay. Your current sloppiness makes my high-school self  appear like a cautious lot. Hay nako. Masaya na lang ako kung san mo man gustong dalhin ang buhay mo, basta huwag kang magsisisi kapag sa tingin mo ay mali ang desisyong ginawa mo. Ikaw ang nagdala sa'yo sa kinalalagyan (at kalalagyan) mo, wala kang ibang dapat sisihin.

Siguro huling distraction ko na KAYO pero not in a naggy-distracting way but in a where-are-you-guys-I-need-you-now distraction kind of way. Kelan ba tayong huling lumabas ulit? Kelan ba huli tayong humalakhak at humagalpak na tipong wala nang bukas? Kailan tayo lumamon na tila ba ay ubusan ng pagkain ang laban? Sino ba kasi ang huling babaeng nag-debut, mga lalaki naman ang hihintayin natin. 21 shots, guys, ha? 

O, sya. Siguro tama na muna. Matagal na akong distracted sa paga-aral. Maghihintay pa ako ng bulalakaw mamaya-maya. Sana hindi maulap at hindi maulan mamaya para ma-enjoy ko naman ang Perseids ngayong taon. 

No comments:

Post a Comment