Wednesday, April 17, 2013

Araw ng Pagkilala


4 Years...
11 Semesters...
156 Academic Units...
29 Hospital Areas...
19 Nursing Majors...
16 General Education Courses...
5 Community Rotations...
4 Tea Parties...
4 Nursecissisms...
4 Lantern Parades...
2 Full Blown Research Papers...
2 Community Diagnoses...
1 UNFORGETTABLE EXPERIENCE

Lahat yan, napagdaanan na namin. 
Dos mil trese, 'yan ang itawag sa amin.
Luha, dugo at mga pawis,
Amin nang naibuwis.

Mula Pateros, Maynila hanggang Batangas,
Natutunan namin ay aming pinamalas.
Mula PGH, RITM at Fabella,
Pagaalaga nami'y di pumapalya.

Mahal ka naming tunay, Kolehiyo.
Kahit pasakit ay galing sa'yo.
Mula sa mga ito kami ay nalinang,
Buhay ng tao'y amin nang ginagalang.

Kung wala kayo, wala ako.
O, Diyos ko, salamat rin sa Iyo!
Mga magulang namin, ito'y para sa inyo,
Mga Nars (at Doktor) Para sa Bayan, nandirito!


No comments:

Post a Comment