Got no time to post this last 20th. Here you go, people.
Nagkita tayo sa LRT
Natapos din ang lahat sa LRT
Tila pag-ibig nati'y hango sa kwento ng mga tren
Nagsasalubong, tumitigil, tumatakbong mga tren
Nagsimula ang lahat na sobra kang magmahal
Anong binalik ko, tila'y puro pangamba na mawala ka
Nagsimula ka sa Roosevelt
Ako'y galing namang Baclaran
Di ko napapansing lumalamlam ka na
Ako nama'y nagsisimula na alamin at mahalin ka pa
Ika'y nasa Blumentritt na
Ako'y nasa Central na
Unti-unti'y naglalapit na tayo
Lubos na kitang minamahal
Lubos ka na palang nawawala
Di ko na napansin kasi nabulag na ako sayo
Carriedo na ako
Bambang ka na
Mahahagkan na kita
Mamahalin kita ng sobra sobra
Dorote Jose na tayo pareho
Ang tagal nang pagsasama natin
Ninamnam natin ang pagsasalubong na ito
Mga puso nati'y tila bumubulong "May forever pala"
Pssssttttt!
Ayan na ang sipol na naghuhudyat nang paglalayo natin
Tangina anong forever?
Ito na nga at naghihiwalay na tayo
Yung ilang minutong pagtigil ng mga tren
Sa ati'y umabot ng pitong buwan at labimpitong araw.
No comments:
Post a Comment