Halos dalawang taon na rin ang nakalipas nang nag-text ako sa isang tao ng mensahe ng paghingi ng tawad. Shet. Todo sorry ako nun. Sinabi ko pa nga na, "since simula naman ng Holy Week ngayon, sana mapatawad mo na ako" at iba pang kachecheburechehan. Sa sobrang pagkakaba ko, nasend ko nga ata ng dalawang beses yung text message e. E ako yung tipong pag ganyan ang text ko, sinesend ko ng gabi o kung inaantok na ako, naka-schedule na magsesend ng automatic on a specific time. Natulog ako. Nagdasal. Humingi ng tawad ng impersonal. Gumising ako ng sumunod na araw na puno ng anticipation. "Sana may text. Sana may text," bulong ko sa sarili. To my dismay, walang dumating ni isang mensahe. "OK lang. Baka di nya nabasa yun o baka mamaya pa magrereply," yan ang pampalubag-loob ko. Lumipas ang isang araw, ang isang linggo at ilang buwan pa at hindi dumating ang inaasam na text message. Naburaot ba ako? Sa totoo lang, oo naman. Syempre. Sa tagal na panahon na yun, sino bang hindi?! Pero may sira rin ako e. Hihingi ako ng tawad, sa text ko pa idadaan. Mali ko rin yun e. E baka naman nagtataka kayo kung nagkabati naman kami nung taong tinext ko. Oo naman, ako pa! E ambaet kong bata e! Pero alam mo yun. May sira na yung pagkakaibigan nyo. Di na tulad ng dati na maghahalakhakan kayo kahit kayong dalawa na lang. Ngayon, wala na. Okweeeeeeeeeeerd (awkward) na, ika nga. Nakakalungkot lang.
Fastforward tayo ngayon. Sa sobrang kabaitan ko, nagkaroon na naman ako ng 'bestfriend' pero buti na lang, hindi sila nagsabay nung previous one ko. Kasalanan ko ba na 'bestfriend' material ako? Ilang buwan na rin ang lumilipas nang hindi kami talaga naguusap ng matino. Alam mo yun, as a friend. Problema may mga mutual friends kami (haha, parang FB lang e) which makes the whole thing 'okweeeeeeeeeeeeeeeeerd'. Tapos ngayon, ewan ko baka dakilang assumero na naman ako, ako naman yung nasa kabilang dulo ng linya. Not necessarily the receiver of a 'please-forgive-me' message but sort of. Di sya yung tipo ng tao na will get out of his way just to do something like this. Hindi sya yun. The dilemma now arises. Tatanggapin ko ba ito as a his act of asking for forgiveness and give what is due to him?
I am a vengeful spirit, more so now that the harsh Realities damaged me, perhaps even beyond repair. I don't know if I even know how to dispense even the most primal of things, such as forgiveness. I don't know. I don't know what to do. You have given me problems that challenged me. That pushed me to my wit's end. I don't know that something simple like this would suffice. No. It wouldn't.
Bow. Ako na ang assumero at nagpapalaki ng mga simpleng bagay.
Semana santa na naman. Ha-haunting-in na naman tayo ng mga nagawa nating taliwas sa Salita ng Diyos. Mga ginawa natin na binaon na natin sa nakaraan at kinalimutan na. Isa dito ang mga nagkasala sa atin at mga napagkasalaan natin. So ang malaking tanong na naman, "Handa ka na bang magpatawad?"
No comments:
Post a Comment