Thursday, March 12, 2015

Feels I: Anong Nangyari?

Compatible ba tayo?
Parang hindi.
Parang pilit eh.

Sa mga kataga mong ito, ako'y sinimulang magimbal. 
Tinatagan ko ang sarili ko. 
Nilabanan ko ang mga luha ko. 
Sinagot kita, "Oo. Compatible tayo." 
Tinignan ko ang iyong mga mata. 
Pag-suko ang tangi kong nakita.
Ayokong paniwalaan ang nararamdaman ko.
Na malapit na ang katapusan.
Katapusan natin. Katapusan nito.

Ayoko na.

Tuluyan mo nang sinambit ang kinatatakutan kong marinig.
Tumigil ang mundo ko. 
Ngunit sa iba'y tila dere-deretso.
Tinanong kita, "Ayaw mo nang ituloy?"
Tinignan mo ako sa aking mga mata.
Napatungo ka na lang,
Ayokong paniwalaan ang narinig ko.
Na ito na ang katapusan.
Katapusan nito. Katapusan natin.

Alam mo ba? Alam mo ba kung gaano kita kamahal?

Sinulat mo yan sa cellphone ko noon.

Kahit ano pa man, mahal na mahal kita. At mamahalin pa.

Sinabi mo nang ilang ulit sa akin yan.

'Wag mo kong tawagin nyan. May tumatawag sa akin nyan noon.

Sinagot mo sa akin yan nang tinawag kita sa ating tawagan.

Siguro naging tanga ako para pakawalan ka.
Siguro naging tanga ako dahil hindi kita pinigilan.
Siguro naging tanga ako nang tayo'y maghiwalay.

Pero naging tanga na rin ako noon pa man.

Naging tanga ako dahil nakipagkita ako sa'yo.
Naging tanga ako nang minahal kita ng tunay.
Naging tanga ako para sa'yo.

Ngayong wala na ito. Wala na tayo.
Hinahanap ko ang iyong lambing. 
Inaasam ko ang iyong yakap.
Hinihiling ko na sana'y ikaw ay bumalik.

Pero naalala ko.
Hindi na nga pala tayo.

No comments:

Post a Comment