Saturday, March 14, 2015
Feels II: Nasaan Ka?
Sabi mo, ako lang.
Ako na.
Bakit tila di nagtugma?
Nawala.
Mga yakap mong mahigpit.
Mainit.
Ngayon ay inaasam.
Bawat saglit.
Ikaw ay aking minahal,
Pinaka-una pa.
Bakit ka sumuko?
Ako'y iniwan mag-isa.
Lamig ng gabi'y nadarama.
Natutulala.
Iniisip kung anong kulang.
Anong dapat nagawa.
Sigaw ng puso'y di masambit.
Igiit ay masakit.
Kaya ang tulang ito'y mapait.
Puno ng hinanakit.
Kung ito man ay makita.
Mabasa.
Kung ikaw ay babalik pa,
Pa'no na?
Special thanks to Ella for supplying the last two lines for this poem, and the support for helping me view things in a more positive light. Check out her works here! :)
Kaya di ko natapos yung tula, nawala ako sa pagkasadlak sa aking sariling kalungkutan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment