Ikaw,
Ikaw na siyang nakilala ko lang
Nagkita tayo, gumala, naging masaya.
Ikaw.
Lumabas tayong muli at naging mas masaya.
Ramdam mo ay iba; sa aki'y nagi-iba pa lang.
Ikaw.
Noon ay estranghero.
Ngayon ay Kaibígan
Ikaw.
Noon na ang hanap ko lang ay saya at ikaw ay iba
Noon ikaw ay parang iba, ngayon iba ka na sa kanila.
Ikaw.
Sinabi mo sa akin na hihintayin mo ako.
Tinabihan mo ako sa lahat ng kaartehan ko.
Ikaw.
Kaibígan o Káibigan.
Ikaw.
Kaibígan at aking Káibigan.
No comments:
Post a Comment