Ito na ang huling pagkakataon
Ilabas na lahat ng emosyon
Itago ang lahat ng pagdududa
Ganito ba dapat talaga?
Minahal kita.
Mahal kita.
Mamahalin pa kita.
Di mo pa ba ito makita?
Nandyan ka pa ba?
Tila ba wala na.
Nandito lang naman ako.
Ginagawa ang lahat para sa'yo.
Minahal mo ako.
Mahal mo (ba) ako?
Mamahalin mo pa ba ako?
Ikaw na ba ay sumusuko?
No comments:
Post a Comment